Una sa marami pang mga kaganapang nakapila para sa pagdiriwang ng ika-100 taon ng Unibersidad ng Pilipinas.
Pinarada ulit namin yung mga lantern namin nung huling Lantern Parade. Di na namin nilagyan ng ilaw kasi umaga naman eh. Costume ulit kaming nakaalalang mag-dala.
Tapos ng parada, announcement ng mga nanalong floats. Third place ang Abueva float ng mga second year Painting. Second place yung Bahay-Kubo ng mga viscom. First place yung mga jeep na marami ng ID.
Pagkatapos ng mumunting programa at pakain sa FA, balik kami nina Jason, Deo, Martin at Richard sa U.Ave para manood ng nalalabi pa sa programang ito. Naabutan pa namin yung Runner #31 dun sa 100 Torch Relay. Maaga pa kami ibig sabihin. Haha.
Tinapos namin yung buong program. Grabe, ang saya. Iba talaga pag UP. Ang galing nung mga performers. Ang lupit nung Pep Squad. Ang saya nung fireworks. Inaasahan kong ganito rin kalupit yung mga iba pang events ng UP para sa Sentenaryo nito.
[[Photos Taken January 8, 2008]]
At syempre di mawawala ang mga links papunta sa mga albums ng iba't-ibang tao. Hehe :D